Skip to product information
1 of 2

Princess Tala & Prince Uncharming (+FREE Shipping)

Regular price ₱499.00
Regular price ₱6,855.00 Sale price ₱499.00

Sa bisa ng seremonya ni Avlam ay nabuo ang tipanan ng kasal sa pagitan nila Tala at Limuel.

Sa ganitong paraan ay magiging bahagi si Tala ng Mezati tribe at mawawala sa kontrol ni Bayani na mula naman sa tribo Eskaya. Ang inaanak na si Limuel ang napili ni Mahalia para maging tagapag-tanggol ng anak na nasa murang edad pa lamang.

Alanganin man ay sumunod si Limuel sa utos ng kanyang mga ninuno. Kapalit ng pagprotekta kay Tala ay maalwang buhay para sa kanyang ina at mga kapatid. Lamang ay may malaking problemang kakaharapin ang mga kabataaang sangkot sa nasabing kasunduan.

Nasa kamay ni Tala kung ipagpapatuloy ang tipanang masyado pa siyang bata para pahintulutan o angkinin ang kalayaaan kapalit ng puso niyang masusugatan. Simple lang naman ang pangarap ni Tala pagdating sa pag-ibig, ang makahanap ng prinsepeng magmamahal sa kanya ng buong tapat. Ang pangarap naman ni Mahalia ay masiguradong ligtas ang anak mula sa lupit ng sarili nitong ama.

Mapaglaro nga lamang ang tadhana kay Tala, bawat hakbang niya ay punong-puno ng pagsubok at pagkaantala. Mula sa pagiging inosente hanggang maging ganap na dalaga, aasa si Tala sa pagmamahal ng ina at matibay nitong pananampalataya.

Sa huli ay kailangang mamili ni Tala. Sasama ba siya kay Bayani o obligadong mahalin siya dahil sa dugong nananalaytay sa kanilang dalawa, kay Limuel na obligadong mahalin siya dahil sa kapirasong papel na pinirmahan nila, Kay Nimuel na nagsabing, "Torture sa akin ang makasama ka!" o kay Rhailey na isang totoong prinsepe?