Skip to product information
1 of 1

Rich Ma'am Poor Mom (+FREE SHIPPING)

Regular price ₱489.00
Regular price ₱6,855.00 Sale price ₱489.00

UTAK na UTANGERA at BULAGSAK sa PERA, meron ba nito? Alamin natin ang sagot sa bagong librong isinulat ni Lolakwentosera na, RICH MA’AM POOR MOM: Ang Patolohiya Ng Problema Sa Pera.

“If there are pathological liars, naging isang pathological utangera naman ang Lowluh nyo. Before experiencing a mental breakdown that almost took my life, sobrang palpak ko sa pera, to the point na pati kaluluwa ko ay handa ko nang ibenta. Reaching the end of myself forced me to face my trauma. Doon ko narealize na, ang solusyon sa malaking utang ay hindi ang pagkakaroon ng maraming pera. Kung hindi ko pala mauugat ang root cause ng aking financial struggles, babalik at babalik ako sa lusak kung saan ako nalagak.

Sa librong ito, ipapakilala ko sa mga readers ang dalawang ‘nanay’ ko na naging dahilan ng paglubog at pag-ahon ko sa utang at iba pang financial problems. Aside from the usual money management tips, nilaliman ko pa ang discussion na may kasamang psychological and Biblical principles.

Looking back, God allowed bad things to happen to me dahil sa totoo lang pasaway akong anak. Gustuhin man ni God na tulungan ako, He would not go against His characteristics na ipagsiksikan ang sarili Niya sa taong ayaw naman sa Kanya. Yet, nagtago pa rin si God ng treasures sa likod ng aking mga trauma at problema sa pera. Matagal na dapat akong wala sa mundo but God is not yet done with my story.” - Lowluh on finding out the reasons behind her suicidal ideation

Gusto nyong malaman kung paano nabago ang ending ng aking kwento?

Tara, basahin nyo na ang librong ito.